You're new here, aren't you?
NetworkedBlogs allows you to stay up to date with blogs you love.
Click the Follow button to follow updates from this blog.
| Blog Name: |
Ang Manlilikha |
| Url: |
http://pruelpo.wordpress.com/ |
| Language: |
Tagalog |
| Topics: |
poet, manlilikha, ofw |
| Description: |
Sino ako?
Taglay ko ang ekstrang pares ng tainga
Nakaririnig ng kakaibang himig
May ekstra akong ilong na nakalalanghap
Ng ibang baho, bango’t lansa ng buhay…
Matamis mangusap ang aking puso
Saya’y hatid sa damdaming may siphayo
Simbolo’y gamit ko, imahi’t kataga
Napasasaya ko ang matamlay na diwa…
Gamit ang papel at ang aking panulat
Hahagkan ko ang buwan at mga bituin
Na kumikinang sa kalawakan
At nagsasaboy ng liwanag sa kadiliman…
Ang bisyo ko’y paglaruan ang mga salita
Upang damdami’y ipaabot sa kapuwa!
paul pruel …isang pinoy |
| Popularity: |
22 Followers |
Pamaskong Handog
Nawa’y huwag pagdamutan itong munting pamasko kong handog para po sa lahat na aking mga bisita, kablogista at mga kaibigan na nagtiyaga na silipin ang aking munting baul – baul ng aking mga awit, tula at kuwento ng aking puso. Ilan tulog na lang po ay Pasko na. At alam ko po na ang karamihan sa atin ay abala para sa kani-kanilang paghahanda sa araw ng kapaskuhan.
Anino ng Pangamba
Sa loob ng maraming taon na pananatili ko sa Kaharian ng Saudi Arabia, walang ibang kumintal sa isip at puso ko ay ang tumaparin ang aking mga pangarap para sa aking mga minamahal na ang kapalit ay kalungkutan at pangungulila sa kanila. Ang naging bunga nito ay ang patuloy kong natutustusan ang paga-aral ng aking mga anak at ang kanilang pang-araw-araw na gastusin.
Nguni’t isang sitwasyon ang kinasasadlakan ko ngayon na gumugulo sa aking isipan – dahil sa bawat paglirip ko sa mga ulap, sa likod nila ay masisinag ang anino ng pangamba, na puwede maging sanhi na maudlot ang aking mga magagandang pangarap para sa aking pamilya.
Bandang alas 10:30 ng umaga Nov.
Saudi Labor Law
Sa kadahilanan ng iba’t-ibang pagmamaltrato o mga panga-abuso ng ibang mga employers sa kanilang mga employees sa kanilang mga karapatan at dahil na rin sa kakulangan ng kaalaman ang mga empleyado patungkol sa batas ng paggawa dito sa Kaharian na dapat sana ay magiging gabay at maging proteksiyon sa kanila, ang pagmamaltrato at panga-abuso ay nagiging bahagi na ng pamumuhay dito – hindi makapiyok at walang magawa ang ibang manggagawa.
Sa pamamagitan nito ang isang Filipinong manggagawa ay dapat lamang na malaman niya na may batas na magproprotek sa kaniya. At mahalaga rin ito na malaman ng iba pang mga Pinoy na nagbabalak na makarating dito sa KSA. Nandito ang mga
DIREK CELSO AD CASTILLO IN– "Sanggol Ka" by pen pen
Bilang pagsaludo sa husay at galing ni Direk Celso Ad Castillo, the multi-awarded director of Philippine Cinema and a lifetime achievement awardee hindi po ako nagdalawang isip na aking ibahagi ang videong ito sa iba – mula ito sa baul ng aking hinahangaan na manunulat at makata na si Igan PenpenBugtong.
Salamat makatang Penpen…
Mahirap ang maging isang ina. Siyam na buwan tangan-tangan niya ang sanggol sa kaniyang sinapupunan hanggang ang sanggol ay ka
Atat na Atat na
Ilan tulog nalang ma-a-amoy ko na
At mahahagkan ang kaniyang mga labi
Mga labing tigang at uhaw sa pagmamahal
Questions? contact: networkedblogs@ninua.com
Copyright (C) 2008, Ninua, Inc.